Add parallel Print Page Options

Magdilim nawa ang kaarawang yaon;
Huwag nawang pansinin ng Dios mula sa itaas,
Ni silangan man ng liwanag.
Ang (A)dilim at ang salimuot na kadiliman ang siyang mangagari niyaon;
Pag-ulapan nawa yaon;
Pangilabutin nawa yaon ng lahat na nagpapadilim sa araw.
Suma gabing yaon nawa ang pagsasalimuot ng kadiliman:
Huwag nawang kagalakan sa mga araw ng sangtaon;
Huwag nawang mapasok sa bilang ng mga buwan.

Read full chapter