Add parallel Print Page Options

Kung ikaw ay nagkasala, (A)anong iyong ginagawa laban sa kaniya?
At kung ang iyong mga pagsalangsang ay dumami, anong iyong ginagawa sa kaniya?
(B)Kung ikaw ay matuwid anong ibinibigay mo sa kaniya?
O anong tinatanggap niya sa iyong kamay?
Ang iyong kasamaan ay makapagpapahamak sa isang lalaking gaya mo;
At ang iyong katuwiran ay makapagpapakinabang sa anak ng tao.

Read full chapter