Job 42:11-13
Ang Biblia (1978)
11 Nang magkagayo'y nagsiparoon sa kaniya ang lahat (A)niyang mga kapatid na lalake at babae, at lahat na naging kakilala niya ng una, at nagsikain ng tinapay na kasalo niya sa kaniyang bahay; at nakipagdamdam sa kaniya, at inaliw siya tungkol sa lahat na kasamaan na pinasapit sa kaniya ng Panginoon: bawa't tao nama'y nagbigay sa kaniya ng isang putol na salapi, at bawa't isa'y ng isang singsing na ginto.
12 Sa gayo'y pinagpala ng Panginoon, (B)ang huling wakas ni Job na higit kay sa kaniyang pasimula: at siya'y (C)nagkaroon ng labing apat na libong tupa, at anim na libong kamelyo, at isang libong tuwang na baka, at isang libong asnong babae.
13 (D)Siya nama'y nagkaroon din ng pitong anak na lalake at tatlong anak na babae.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978