Job 42:8-10
Ang Biblia, 2001
8 Kaya't kumuha kayo ngayon ng pitong guyang baka, at pitong lalaking tupa, at pumunta kayo sa aking lingkod na si Job. Maghandog kayo para sa inyo ng handog na sinusunog, at idadalangin kayo ng aking lingkod na si Job. Tatanggapin ko ang kanyang panalangin na huwag kayong pakitunguhan ayon sa inyong kamangmangan; sapagkat hindi kayo nagsalita tungkol sa akin ng bagay na matuwid, gaya ng aking lingkod na si Job.”
9 Sa gayo'y humayo si Elifaz na Temanita, si Bildad na Suhita, at si Zofar na Naamatita, at ginawa ang ayon sa iniutos sa kanila ng Panginoon, at tinanggap ng Panginoon ang panalangin ni Job.
Muling Pinagpala ng Diyos si Job
10 At(A) ibinalik ng Panginoon ang kayamanan ni Job, nang kanyang idalangin ang kanyang mga kaibigan. At dinoble ng Panginoon ang dating kayamanan ni Job.
Read full chapter