Font Size
Job 5:18-20
Ang Biblia, 2001
Job 5:18-20
Ang Biblia, 2001
18 Sapagkat(A) siya'y sumusugat, ngunit kanyang tinatalian;
siya'y nananakit, ngunit nagpapagaling ang kanyang mga kamay.
19 Ililigtas ka niya mula sa anim na kaguluhan;
sa ikapito ay walang kasamaang gagalaw sa iyo.
20 Sa taggutom ay tutubusin ka niya mula sa kamatayan;
at sa digmaan, mula sa tabak na makapangyarihan.