Font Size
Job 9:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Job 9:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
9 Siya(A) ang gumawa ng mga bituin sa kalawakan, sa ‘Oso,’ sa ‘Orion,’
sa ‘Pleyades’ at sa mga kumpol ng mga bituin sa katimugan.
10 Makapangyarihan niyang gawa ay hindi maunawaan,
ang kanyang mga himala ay hindi mabibilang.
11 Siya'y nagdaraan ngunit hindi ko mamasdan, siya'y kumikilos ngunit hindi ko maramdaman.