Job 4:16-21
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
16 Huminto ito, pero hindi ko gaanong maaninag. At may narinig akong mahinang tinig na nagsasabi, 17 ‘Mayroon bang taong matuwid o malinis sa paningin ng Dios na kanyang Manlilikha? 18 Kung mismong sa mga anghel na lingkod niya ay hindi siya lubusang nagtitiwala, at nakakakita siya ng kamalian nila, 19 di lalo na sa taong nilikha lamang mula sa lupa, na madaling pisain katulad ng gamo-gamo! 20 Ang taoʼy maaaring buhay pa sa umaga pero kinagabihaʼy patay na at hindi na makikita magpakailanman. 21 Para silang mga toldang bumagsak. Namatay sila nang kulang sa karunungan.’
Read full chapter
Job 32:14-15
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
14 Kung sa akin siya nakipagtalo, hindi ko siya sasagutin na katulad ng mga sinabi ninyo. 15 Hindi na kayo makakibo ngayon at wala nang maisagot sa kanya.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®