Font Size
Joel 1:5-7
Ang Biblia, 2001
Joel 1:5-7
Ang Biblia, 2001
5 Gising, kayong mga maglalasing, at umiyak kayo;
tumangis kayo, kayong lahat na manginginom ng alak,
dahil sa matamis na alak
na inilayo sa inyong bibig.
6 Sapagkat(A) ang isang bansa ay sumalakay sa aking lupain,
malakas at di mabilang,
ang kanyang mga ngipin ay mga ngipin ng leon,
at siya'y may mga pangil ng babaing leon.
7 Kanyang sinira ang aking puno ng ubas,
at sinibak ang aking puno ng igos;
kanyang binalatan at inihagis,
ang kanilang mga sanga ay pumuti.