Add parallel Print Page Options

Kayong mga lasenggo, bumangon kayo at umiyak nang malakas! Sapagkat wala na kayong maiinom; wala nang bunga ang mga ubas na gagawing alak. Ang lupain ng Panginoon[a] ay sinalakay ng napakaraming balang.[b] Matalas ang kanilang mga ngipin na parang mga ngipin ng leon. Sinira nila ang mga tanim na ubas ng Panginoon at ang kanyang mga puno ng igos. Nginatngat nila ang mga balat nito hanggang sa mamuti ang mga sanga.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:6 lupain ng Panginoon: sa literal, aking lupain, na siyang Juda.
  2. 1:6 napakaraming balang: sa literal, mga bansa. Maaaring ang mga balang na ito ay kumakatawan sa mga bansang sasalakay sa Juda.