Add parallel Print Page Options

Ang Pagparusa ng Panginoon ay Inihalintulad sa Pagsalakay ng mga Balang

Hipan ninyo ang trumpeta upang bigyang babala ang mga tao sa Zion,[a] ang banal[b] na bundok ng Panginoon. Lahat kayong nakatira sa Juda, manginig kayo sa takot, dahil malapit na ang araw ng paghatol ng Panginoon. Magiging maulap at madilim ang araw na iyon. Kakalat ang napakaraming balang[c] sa mga kabundukan na parang sinag ng araw kapag nagbubukang-liwayway. Wala pang nangyaring kagaya nito noon, at hindi na mangyayari ang katulad nito kahit kailan.

Sunud-sunod na sumalakay ang mga balang na parang apoy.[d] Bago sila dumating ang lupain ay parang halamanan ng Eden. Pero nang masalakay na nila, para na itong disyerto. Wala silang halaman na itinira.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:1 Zion: Isa ito sa mga tawag sa Jerusalem.
  2. 2:1 banal: o, pinili.
  3. 2:2 balang: sa literal, tao o bansa. Maaaring ang mga balang na ito ay kumakatawan sa mga taong sasalakay sa Juda.
  4. 2:3 Sunud-sunod … apoy: sa literal, Sa kanilang harapan at sa likuran ay may apoy na sumusunog. Maaaring ang ibig sabihin ay sa harapan at sa likuran ng isang kawan ng mga balang ay mayroon pang mga kawan ng balang. Tingnan sa 1:4 at 2:20.