Add parallel Print Page Options

10 Ang lupa ay nayayanig (A)sa harap nila; ang langit ay nanginginig; (B)ang araw at ang buwan ay nagdidilim at itinitigil ng mga bituin ang kanilang kislap:

11 At pinatutunog ng Panginoon ang kaniyang tinig sa harap ng kaniyang hukbo; sapagka't ang kaniyang kampamento ay totoong malaki; sapagka't malakas na nagsasagawa ng kaniyang salita; sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay dakila at totoong kakilakilabot; at (C)sinong makatatahan?

Ang tawag sa pagaayuno at pananalangin.

12 Gayon ma'y ngayon, sabi ng Panginoon, (D)magsipanumbalik kayo sa akin ng inyong buong puso, na (E)may pagaayuno, at may pananangis, at may pananambitan:

Read full chapter