Add parallel Print Page Options

11 Parang(A) kulog ang tinig ni Yahweh, kung mag-utos sa kanyang hukbo.
    Ang mga pangkat na tumatalima sa kanya
    ay marami at malalakas.
Nakakapangilabot ang araw ni Yahweh!
    Sino ang makakatagal dito?

Panawagan Upang Magsisi

12 “Gayunman,” sabi ni Yahweh,
    “mataimtim kayong magsisi at manumbalik sa akin;
    mag-ayuno kayo, manangis at magdalamhati.
13 Magsisi kayo nang taos sa puso,
    at hindi pakitang-tao lamang.”

Magbalik-loob kayo kay Yahweh na inyong Diyos!
    Siya'y mahabagin at mapagmahal,
    hindi madaling magalit at wagas ang pag-ibig;
    laging handang magpatawad at hindi nagpaparusa sa nagsisisi.

Read full chapter