Font Size
Joel 2:2-4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Joel 2:2-4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
2 Magiging maulap at madilim ang araw na iyon. Kakalat ang napakaraming balang[a] sa mga kabundukan na parang sinag ng araw kapag nagbubukang-liwayway. Wala pang nangyaring kagaya nito noon, at hindi na mangyayari ang katulad nito kahit kailan.
3 Sunud-sunod na sumalakay ang mga balang na parang apoy.[b] Bago sila dumating ang lupain ay parang halamanan ng Eden. Pero nang masalakay na nila, para na itong disyerto. Wala silang halaman na itinira. 4 Parang kabayo ang kanilang anyo, at mabilis sila tulad ng mga kabayong pandigma.
Read full chapterFootnotes
- 2:2 balang: sa literal, tao o bansa. Maaaring ang mga balang na ito ay kumakatawan sa mga taong sasalakay sa Juda.
- 2:3 Sunud-sunod … apoy: sa literal, Sa kanilang harapan at sa likuran ay may apoy na sumusunog. Maaaring ang ibig sabihin ay sa harapan at sa likuran ng isang kawan ng mga balang ay mayroon pang mga kawan ng balang. Tingnan sa 1:4 at 2:20.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®