Font Size
Joel 2:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Joel 2:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
9 Sinasalakay nila ang lunsod,
inaakyat ang mga pader;
pinapasok ang mga bahay,
lumulusot sila sa mga bintana, gaya ng mga magnanakaw.
10 Sa(A) pagdaan nila'y nayayanig ang lupa;
at umuuga ang langit.
Nagdidilim ang araw at ang buwan,
at pati mga bitui'y ayaw nang magliwanag.
11 Parang(B) kulog ang tinig ni Yahweh, kung mag-utos sa kanyang hukbo.
Ang mga pangkat na tumatalima sa kanya
ay marami at malalakas.
Nakakapangilabot ang araw ni Yahweh!
Sino ang makakatagal dito?