Add parallel Print Page Options

19 “Magiging disyerto ang Egipto,
    at magiging tigang ang lupain ng Edom,
sapagkat sinalakay nila ang lupain ng Juda
    at pinatay ang mga mamamayang walang kasalanan.
20-21 Ipaghihiganti ko[a] ang lahat ng nasawi;
    paparusahan ko ang sinumang nagkasala.
Ang Juda at ang Jerusalem ay pananahanan magpakailanman,
    at ako ay mananatili sa Bundok ng Zion.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Joel 3:20 Ipaghihiganti ko: Sa ibang manuskrito'y Ipahahayag kong walang sala .