Juan 20:20-24
Ang Biblia (1978)
20 At nang masabi niya ito, ay kaniyang ipinakita sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang tagiliran. (A)Ang mga alagad nga'y nangagalak, nang makita nila ang Panginoon.
21 Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus, Kapayapaan ang sumainyo: (B)kung paanong pagkasugo sa akin ng Ama, ay gayon din naman sinusugo ko kayo.
22 At nang masabi niya ito, (C)sila'y hiningahan niya, at sa kanila'y sinabi, Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo:
23 Sinomang inyong patawarin ng mga (D)kasalanan, ay ipinatatawad sa kanila; sinomang hindi ninyo patawarin ng mga kasalanan, ay hindi pinatatawad.
24 Nguni't si Tomas, isa sa labingdalawa, (E)na tinatawag na Didimo, ay wala sa kanila nang dumating si Jesus.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978