Font Size
Jonas 1:2-4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Jonas 1:2-4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
2 “Pumunta ka agad sa Nineve, ang malaking lungsod, at bigyan mo ng babala ang mga taga-roon, dahil umabot na sa aking kaalaman ang kanilang kasamaan.” 3 Pero tumakas agad sa Panginoon[a] si Jonas at nagpasyang pumunta sa Tarshish. Pumunta siya sa Jopa at nakakita siya roon ng barkong paalis papuntang Tarshish. Kaya nagbayad siya ng pamasahe at sumakay sa barko kasama ng mga tripulante at ng iba pang mga pasahero upang tumakas sa Panginoon.
4 Nang nasa laot na sila, nagpadala ang Panginoon ng napakalakas na hangin at halos mawasak na ang barko.
Read full chapterFootnotes
- 1:3 tumakas agad sa Panginoon: Maaaring ang ibig sabihin, tumakas siya sa pagtawag ng Panginoon; o, tumakas siya mula sa Israel kung saan nakatira ang Panginoon sa kanyang templo.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®