Add parallel Print Page Options

Sumagot si Jonas, “Ako ay Hebreo at sumasamba sa Panginoon, ang Dios sa langit[a] na lumikha ng dagat at ng lupa.” 10 Kaya lubhang natakot ang mga tripulante, dahil sinabi na sa kanila ni Jonas na tumatakas siya sa Panginoon. Sinabi nila sa kanya, “Ano itong ginawa mo!”

11 At nang lalo pang lumakas ang hangin, sinabi ng mga tripulante kay Jonas, “Ano ang gagawin namin sa iyo para kumalma ang dagat at nang makaligtas kami sa kapahamakan?”

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:9 Dios sa langit: o, Dios na nasa langit; o, Dios na lumikha ng langit; o, Dios na higit sa lahat.