Add parallel Print Page Options

Ang mana at ang mga bayan ng mga anak ni Benjamin.

11 At ang kapalaran ng lipi ng mga anak ni Benjamin ay lumabas ayon sa kanilang mga angkan: at ang hangganan ng kanilang kapalaran ay palabas sa pagitan ng mga anak ni Juda at ng mga anak ni Jose.

12 (A)At ang kanilang hangganan sa hilagaang sulok ay mula sa Jordan; at ang hangganan ay pasampa sa dako ng Jerico sa hilagaan, at pasampa sa lupaing maburol na dakong kalunuran; at ang labasan niyaon ay sa ilang ng (B)Beth-aven.

13 At ang hangganan ay patuloy mula roon hanggang sa Luz, sa dako ng Luz (na (C)siyang Beth-el), na dakong timugan; at ang hangganan ay pababa sa Ataroth-addar, sa tabi ng bundok na dumudoon sa timugan ng (D)Beth-horon sa ibaba.

14 At ang hangganan ay patuloy at paliko sa kalunurang sulok na dakong timugan mula sa bundok na nakalatag sa harap ng Beth-horon na dakong timugan, at ang mga labasan niyaon ay sa (E)Chiriath-baal (na siyang Chiriath-jearim), na bayan ng mga anak ni Juda: ito ang kalunurang sulok.

15 At ang timugang sulok ay mula sa kahulihulihang bahagi ng Chiriath-jearim at ang hangganan ay palabas sa dakong kalunuran, at palabas sa bukal ng tubig ng Nephtoa:

16 At ang hangganan ay pababa sa kahulihulihang bahagi ng bundok na nakalatag sa harap ng libis ng anak ni Hinnom, na nasa (F)libis ng Rephaim na dakong hilagaan; (G)at pababa sa libis ni Hinnom, sa dako ng Jebuseo na dakong timugan at pababa sa (H)Enrogel;

17 At paabot sa hilagaan at palabas sa En-semes, at palabas sa Geliloth na nasa tapat ng pagsampa sa Adummim; at pababa sa bato ng Bohan na anak ni Ruben,

18 At patuloy sa tagiliran na tapat ng Araba sa dakong hilagaan, at pababa sa Araba;

19 At ang hangganan ay patuloy sa tabi ng Beth-hogla na dakong hilagaan, at ang labasan ng hangganan ay sa hilagaang dagat-dagatan ng Dagat na Alat, sa timugang dulo ng Jordan; ito ang timugang hangganan.

20 At ang Jordan ay hangganan niyaon sa sulok na silanganan. Ito ang mana ng mga anak ni Benjamin ayon sa mga hangganan niyaon sa palibot, ayon sa kanilang mga angkan.

21 Ang mga bayan nga ng lipi ng mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan ay (I)Jerico, at Beth-hogla, at Emec-casis:

22 At Beth-araba, at Samaraim, at Beth-el,

23 At Avim, at Para, at Ophra,

24 At Cephar-hammonai, at Ophni, at Gaba, labing dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

25 Gabaon, at Rama, at Beeroth,

26 At Mizpe, at Chephira, at Moza;

27 At Recoem, at Irpeel, at Tarala;

28 At Sela, Eleph, at (J)Jebus (na siyang Jerusalem), Gibeath, at Chiriath; labing apat na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon. Ito ang mana ng mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan.

Ang mana ng mga anak ni Simeon.

19 At ang ikalawang kapalaran ay napasa Simeon, sa lipi ng mga anak ng Simeon ayon sa kanilang mga angkan: (K)at ang kanilang mana ay nasa gitna ng mana ng mga anak ni Juda.

At kanilang (L)tinamo na pinakamana ang (M)Beer-seba, o Seba, at Molada;

At Hasar-sual, at Bala, at Esem;

At Heltolad, at Betul, at Horma;

At Siclag, at Beth-marchaboth, at Hasar-susa,

At Beth-lebaoth, at Saruhen: labing tatlong bayan pati ng mga nayon niyaon

Ain, Rimmon, at Eter, at Asan, apat na bayan pati ng mga nayon niyaon:

At ang lahat ng mga nayon na nasa palibot ng mga bayang ito hanggang sa Baalath-beer, Ramat ng Timugan. Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Simeon ayon sa kanilang mga angkan.

Mula sa bahagi ng mga anak ni Juda ang mana ng mga anak ni Simeon: sapagka't ang bahagi ng mga anak ni Juda ay totoong marami sa ganang kanila; kaya't ang mga anak ni Simeon ay nagkaroon ng mana sa gitna ng kanilang mana.

Ang mana ng mga anak ni Zabulon.

10 At ang ikatlong kapalaran ay napasa mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan. At ang hangganan ng kanilang mana ay hanggang sa Sarid:

11 (N)At ang kanilang hangganan ay pasampa sa dakong kalunuran sa Merala, at abot sa Dabbeseth at mula roo'y abot sa batis na nasa harap ng Jocneam,

12 At paliko mula sa Sarid sa dakong silanganan na dakong sinisikatan ng araw hanggang sa hangganan ng Chisiloth-tabor, at palabas sa Dabrath, at pasampa sa Japhia;

13 At mula roon ay patuloy sa dakong silanganan sa Gith-hepher, sa Ittakazin; at palabas sa Rimmon na luwal hanggang sa Nea:

14 At ang hangganan ay paliko sa hilagaan na patungo sa Hanaton: at ang labasan niyaon ay sa libis ng Iphta-el;

15 At sa Catah, at sa Naalal, at sa Simron, at sa Ideala, at sa Beth-lehem: labing dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

16 Ito ang mana ng mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito.

Ang mana ng mga anak ni Issachar.

17 Ang ikaapat na kapalaran ay napasa Issachar, sa mga anak ni Issachar ayon sa kanilang mga angkan.

18 At ang kanilang hangganan ay hanggang sa Izreel, at Chesulloth, at Sunem,

19 At Hapharaim, at Sion, at Anaarath,

20 At Rabbit, at Chision, at Ebes,

21 At Rameth, at En-gannim, at Enhadda, at Beth-passes,

22 At ang hangganan ay abot sa Tabor, at Sahasim, at sa Beth-semes; at ang mga labasan ng hangganan ng mga yaon ay sa Jordan: labing anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

23 Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Issachar ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

Ang mana ng mga anak ni Aser.

24 At ang ikalimang kapalaran ay napasa lipi ng mga anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan.

25 At ang kanilang hangganan ay Helchat, at Hali, at Beten, at Axaph,

26 At Alammelec, at Amead, at Miseal; at abot sa Carmel na dakong kalunuran at sa Sihorlibnath;

27 At paliko sa dakong sinisikatan ng araw sa Beth-dagon, at abot sa Zabulon, at sa libis ng Iphta-el na dakong hilagaan sa Beth-emec at Nehiel; at palabas sa Cabul sa kaliwa.

28 At Hebron, at Rehob, at Hammon, at Cana, (O)hanggang sa malaking Sidon,

29 At ang hangganan ay paliko sa Rama, at sa bayang nakukutaan ng Tiro; at ang hangganan ay paliko sa Hosa, at ang mga labasan niyaon ay sa dagat mula sa lupain ni Achzib;

30 Gayon din ang Umma, at Aphek, at Rehob: dalawang pu't dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

31 Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito.

Ang mana ng mga anak ni Nephtali.

32 Ang ikaanim na kapalaran ay napasa mga anak ni Nephtali, sa mga anak ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan.

33 At ang kanilang hangganan ay mula sa Heleph, mula sa encina sa Saananim, at sa Adamineceb, at sa Jabneel, hanggang sa Lacum; at ang mga labasan niyaon ay sa Jordan;

34 At ang hangganan ay paliko sa dakong kalunuran sa Aznot-tabor, at palabas sa Hucuca mula roon; at abot sa Zabulon sa timugan, at abot sa Aser sa kalunuran, at sa Juda sa Jordan na dakong sinisikatan ng araw.

35 At ang mga bayang nakukutaan ay Siddim, Ser, at Hamath, Raccath, at Cinneret,

36 At Adama, at Rama, at Asor,

37 At Cedes, at Edrei, at Enhasor,

38 At Iron, at Migdalel, Horem, at Beth-anath, at Beth-semes: labing siyam na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

39 Ito ang mana ng lipi, ng mga anak ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

Ang mana ng mga anak ni Dan.

40 Ang ikapitong kapalaran ay napasa lipi ng mga anak ni Dan ayon sa kanilang mga angkan.

41 At ang hangganan ng kanilang mana ay Sora, at Estaol, at Ir-semes,

42 At Saalabin, at (P)Ailon, at Jeth-la,

43 At Elon, at Timnath, at Ecron,

44 At Elteche, at Gibbethon, at Baalat,

45 At Jehul, at Bene-berac, at Gatrimmon,

46 At Me-jarcon, at Raccon pati ng hangganan sa tapat ng Joppa.