Josue 6:17-25
Magandang Balita Biblia
17 Ang buong lunsod at ang anumang matatagpuan doon ay wawasakin bilang handog kay Yahweh. Si Rahab lamang at ang kanyang mga kasambahay ang ililigtas sapagkat itinago niya ang ating mga isinugo roon. 18 At huwag na huwag kayong kukuha ng anumang bagay na nakatakdang wasakin. Kapag kumuha kayo ng anuman, kayo ang magiging sanhi ng pagkapahamak ng buong Israel. 19 Ngunit ang lahat ng bagay na yari sa ginto, pilak, tanso, o bakal ay nakalaan para kay Yahweh, at dapat ilagay sa kabang-yaman ni Yahweh.”
20 Kaya't(A) hinipan nga ng mga pari ang mga trumpeta at nagsigawan nang napakalakas ang mga tao nang marinig iyon. Bumagsak ang mga pader ng lunsod at sumalakay sila. Nakapasok sila nang walang sagabal at nasakop nila ang lunsod. 21 Pinatay nila ang lahat ng tao sa lunsod—lalaki't babae, matanda't bata—at pati ang mga asno, baka at tupa.
22 Sinabi ni Josue sa dalawang espiya na isinugo niya noon, “Pumunta kayo sa bahay ng babaing inyong tinuluyan. Ilabas ninyo siya at ang buo niyang angkan, ayon sa inyong pangako sa kanya.” 23 Pumunta nga sila at inilabas si Rahab, ang kanyang ama't ina, mga kapatid at mga alipin. Inilabas din nila pati ang kanyang mga kamag-anak at dinalang lahat sa kampo ng Israel. 24 Pagkatapos ay sinunog nila ang lunsod at tinupok ang lahat ng bagay na naroon, liban sa mga yari sa ginto, pilak, tanso, o bakal. Ang mga ito'y inilagay nila sa kabang-yaman ni Yahweh. 25 Si(B) Rahab na isang babaing nagbebenta ng panandaliang-aliw ay iniligtas ni Josue, pati ang buong angkan nito, sapagkat itinago nito ang mga lalaking isinugo upang lihim na magmanman sa Jerico. Ang mga naging anak at sumunod na salinlahi ni Rahab ay nanirahan sa Israel hanggang sa araw na ito.
Read full chapter
Joshua 6:17-25
New International Version
17 The city and all that is in it are to be devoted[a](A) to the Lord. Only Rahab the prostitute(B) and all who are with her in her house shall be spared, because she hid(C) the spies we sent. 18 But keep away from the devoted things,(D) so that you will not bring about your own destruction by taking any of them. Otherwise you will make the camp of Israel liable to destruction(E) and bring trouble(F) on it. 19 All the silver and gold and the articles of bronze and iron(G) are sacred to the Lord and must go into his treasury.”
20 When the trumpets sounded,(H) the army shouted, and at the sound of the trumpet, when the men gave a loud shout,(I) the wall collapsed; so everyone charged straight in, and they took the city.(J) 21 They devoted(K) the city to the Lord and destroyed(L) with the sword every living thing in it—men and women, young and old, cattle, sheep and donkeys.
22 Joshua said to the two men(M) who had spied out(N) the land, “Go into the prostitute’s house and bring her out and all who belong to her, in accordance with your oath to her.(O)” 23 So the young men who had done the spying went in and brought out Rahab, her father and mother, her brothers and sisters and all who belonged to her.(P) They brought out her entire family and put them in a place outside the camp of Israel.
24 Then they burned the whole city(Q) and everything in it, but they put the silver and gold and the articles of bronze and iron(R) into the treasury of the Lord’s house.(S) 25 But Joshua spared(T) Rahab the prostitute,(U) with her family and all who belonged to her, because she hid the men Joshua had sent as spies to Jericho(V)—and she lives among the Israelites to this day.
Footnotes
- Joshua 6:17 The Hebrew term refers to the irrevocable giving over of things or persons to the Lord, often by totally destroying them; also in verses 18 and 21.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.