Add parallel Print Page Options

Ang iba pang tagumpay ni Josue.

28 At sinakop ni Josue ang Maceda nang araw na yaon, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang hari niyaon; kaniyang lubos silang nilipol at ang lahat na tao na nandoon, wala siyang iniwang nalabi: at kaniyang ginawa sa hari sa Maceda ang (A)gaya ng kaniyang ginawa sa hari ng Jerico.

29 At si Josue ay dumaan mula sa Maceda, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang (B)sa Libna, at lumaban sa Libna:

30 At ibinigay rin ng Panginoon, sangpu ng hari niyaon, sa kamay ng Israel; at kaniyang sinugatan ng talim ng tabak, at ang lahat na tao na nandoon; wala siyang iniwan doon; at kaniyang ginawa sa hari niyaon ang gaya ng kaniyang ginawa sa hari sa Jerico.

Read full chapter