Add parallel Print Page Options

19 Walang bayan na nakipagpayapaan sa mga anak ni Israel, liban (A)ang mga Heveo na mga taga Gabaon: kanilang kinuhang lahat sa pakikipagbaka.

20 Sapagka't (B)inakala nga ng Panginoon na papagmatigasin ang kanilang puso, upang pumaroon laban sa Israel sa pakikipagbaka, upang kanilang malipol silang lubos, na huwag silang magtamo ng biyaya, kundi kaniyang malipol sila, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

21 At naparoon si Josue nang panahong yaon at (C)nilipol ang mga Anaceo mula sa lupaing maburol, sa (D)Hebron, sa (E)Debir, sa Anab, at sa buong lupaing maburol ng Juda, at sa buong lupaing maburol ng Israel: nilipol silang lubos ni Josue sangpu ng kanilang mga bayan.

Read full chapter