Add parallel Print Page Options

sa mga haring nasa kabundukan sa hilaga, sa mga hari sa Lambak ng Jordan[a] na nasa timog ng Lawa ng Galilea,[b] sa mga hari sa kaburulan sa kanluran,[c] sa mga hari sa baybayin ng Dor sa kanluran, sa mga hari ng mga Cananeo sa silangan at sa kanluran ng Ilog ng Jordan, sa mga hari ng mga Amoreo, Heteo, Perezeo, Jebuseo na nakatira sa kabundukan, at sa mga hari ng mga Hiveo sa ibaba ng Bundok ng Hermon sa lupain ng Mizpa. Dumating ang lahat ng hari, kasama ang mga sundalo nilang kasindami ng buhangin sa dagat. Marami rin silang kabayo at karwahe.

Read full chapter

Footnotes

  1. 11:2 Lambak ng Jordan: sa Hebreo, Araba. Ganito rin sa talatang 16.
  2. 11:2 Galilea: sa Hebreo, Kineret.
  3. 11:2 kaburulan sa kanluran: sa Hebreo, Shefela. Ganito rin sa talatang 16.