Josue 11:6-8
Ang Biblia (1978)
6 At sinabi ng Panginoon kay Josue, (A)Huwag kang matakot ng dahil sa kanila; sapagka't bukas sa ganitong oras ay ibibigay ko silang lahat na patay sa harap ng Israel: inyong (B)pipilayan ang kanilang mga kabayo, at sisilaban ng apoy ang kanilang mga (C)karo.
7 Sa gayo'y biglang naparoon si Josue, at ang buong bayang pangdigma na kasama niya, laban sa kanila sa tabi ng tubig ng Merom, at dumaluhong sila sa kanila.
8 At ibinigay sila ng Panginoon sa kamay ng Israel, at sinaktan nila, at hinabol nila sila hanggang sa malaking Sidon, at hanggang sa Misrephoth-maim, at hanggang sa libis ng Mizpa, sa dakong silanganan; at sinaktan nila sila hanggang sa wala silang iniwan sa kanila nalabi.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978