Add parallel Print Page Options

gayundin ang Araba sa gawing silangan ng Jordan, buhat sa gilid ng Lawa ng Cineret patungo sa Beth-jesimot sa gawing silangan, hanggang sa Dagat na Patay tuloy sa paanan ng Bundok ng Pisga papuntang timog.

Nalupig din nila si Haring Og ng Bashan, isa sa ilang natira sa lahi ng mga higante. Nanirahan ang haring ito sa Astarot at sa Edrei. Sakop niya ang kabundukan ng Hermon, ang Saleca, ang buong Bashan hanggang sa lupain ng mga Gesureo at mga Maacateo. Kasama pa rin ng nasasakupan niya ang kalahati ng Gilead, karatig ng lupain ni Sihon na hari ng Hesbon.

Read full chapter