Add parallel Print Page Options

Nalupig din nila si Haring Og ng Bashan, isa sa ilang natira sa lahi ng mga higante. Nanirahan ang haring ito sa Astarot at sa Edrei. Sakop niya ang kabundukan ng Hermon, ang Saleca, ang buong Bashan hanggang sa lupain ng mga Gesureo at mga Maacateo. Kasama pa rin ng nasasakupan niya ang kalahati ng Gilead, karatig ng lupain ni Sihon na hari ng Hesbon. Ang(A) dalawang ito'y nilupig ng mga Israelita, sa pamumuno ni Moises. Ibinigay ni Moises na lingkod ni Yahweh ang mga lupain nila sa lipi ni Ruben, ni Gad at sa kalahati ng lipi ni Manases.

Read full chapter