Font Size
Josue 13:12-14
Ang Biblia, 2001
Josue 13:12-14
Ang Biblia, 2001
12 ang buong kaharian ni Og sa Basan, na naghari sa Astarot at sa Edrei (siya lamang nalabi sa mga Refaim); ang mga ito ang nagapi at itinaboy ni Moises.
13 Gayunma'y hindi itinaboy ng mga anak ni Israel ang mga Geshureo, ni ang mga Maacatita; kundi ang Geshur at ang Maacat ay nanirahan sa loob ng Israel hanggang sa araw na ito.
14 Ang(A) lipi lamang ni Levi ang hindi niya binigyan ng pamana; ang mga handog na pinaraan sa apoy sa Panginoong Diyos ng Israel ay kanilang pamana, gaya ng sinabi niya sa kanya.
Read full chapter