Add parallel Print Page Options

11 At ang hangganan ay palabas sa siping ng (A)Ecron na dakong hilagaan; at ang hangganan ay paabot sa Sicheron, at patuloy sa bundok ng Baala, at palabas sa Jabneel; at ang mga labasan ng hangganan ay sa dagat.

12 At ang hangganang kalunuran (B)ay ang malaking dagat, at ang hangganan niyaon. Ito ang hangganan ng mga anak ni Juda sa palibot, ayon sa kanilang mga angkan.

Binihag ni Othoniel ang Chiriat-sepher.

13 (C)At kay Caleb na anak ni Jephone ay nagbigay siya ng isang bahagi sa gitna ng mga anak ni Juda, ayon sa utos ng Panginoon kay Josue, sa makatuwid baga'y ang (D)Chiriath-arba, na siyang Arba na ama ni Anac (na siya ring Hebron).

Read full chapter