Josue 15:6-8
Ang Biblia (1978)
6 At pasampa ang hangganan sa Beth-hogla, at patuloy sa hilagaan ng Beth-araba; at ang hangganan ay pasampa sa (A)bato ni Bohan na anak ni Ruben:
7 At ang hangganan ay pasampa sa Debir mula sa libis ng (B)Achor, at gayon sa dakong hilagaang paharap sa dakong Gilgal, na nasa tapat ng pagsampa sa Adumin, na nasa dakong timugan ng ilog: at ang hangganan ay patuloy sa tubig ng En-semes, at ang mga labasan niyaon ay sa (C)En-rogel:
8 At ang hangganan ay pasampa sa (D)libis ng anak ni Hinnom hanggang sa dako ng (E)Jebuseo na dakong timugan (na siya ring Jerusalem): at ang hangganan ay pasampa sa taluktok ng bundok na dumudoon sa harap ng (F)libis ng Hinnom na dakong kalunuran, na sa kahulihulihang bahagi ng libis ng Rephaim na dakong hilagaan:
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978