Font Size
Josue 16:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Josue 16:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
7 Lumampas ng Janoa at bumabâ sa Atarot at Naara, nagdaan sa tabi ng Jerico at nagtapos sa Jordan. 8 Pumakanluran buhat sa Tapua, namaybay ng batis ng Cana, at nagtapos sa Dagat Mediteraneo. Ito ang lupaing napapunta sa lipi ni Efraim, 9 bukod sa mga bayan at nayong ibinigay sa kanila sa nasasakupan ng lupain ng lipi ni Manases.
Read full chapter