Font Size
Josue 18:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Josue 18:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Paghahati sa Iba pang Bahagi ng Lupain
18 Matapos nilang sakupin ang lupaing iyon, ang buong Israel ay nagtipon sa Shilo at itinayo roon ang Toldang Tipanan. 2 Pitong lipi ni Israel ang hindi pa tumatanggap ng kanilang kaparte sa lupain. 3 Kaya sinabi sa kanila ni Josue, “Kailan pa ninyo sasakupin ang lupaing ibinigay sa inyo ni Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno?
Read full chapter