Josue 18:12-14
Ang Biblia (1978)
12 (A)At ang kanilang hangganan sa hilagaang sulok ay mula sa Jordan; at ang hangganan ay pasampa sa dako ng Jerico sa hilagaan, at pasampa sa lupaing maburol na dakong kalunuran; at ang labasan niyaon ay sa ilang ng (B)Beth-aven.
13 At ang hangganan ay patuloy mula roon hanggang sa Luz, sa dako ng Luz (na (C)siyang Beth-el), na dakong timugan; at ang hangganan ay pababa sa Ataroth-addar, sa tabi ng bundok na dumudoon sa timugan ng (D)Beth-horon sa ibaba.
14 At ang hangganan ay patuloy at paliko sa kalunurang sulok na dakong timugan mula sa bundok na nakalatag sa harap ng Beth-horon na dakong timugan, at ang mga labasan niyaon ay sa (E)Chiriath-baal (na siyang Chiriath-jearim), na bayan ng mga anak ni Juda: ito ang kalunurang sulok.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978