Add parallel Print Page Options

At sinabi ni Josue sa mga anak ni Israel, Hanggang (A)kailan magpapakatamad kayo upang pasukin ninyong ariin ang lupain na ibinigay sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang?

Maghalal kayo sa inyo ng tatlong lalake sa bawa't lipi: at aking susuguin, at sila'y babangon at lalakad sa lupain, at iguguhit ayon sa kanilang mana; at sila'y paririto sa akin.

At kanilang babahagihin ng pitong bahagi: (B)ang Juda ay mananahan sa hangganan niyaon na dakong timugan, at ang (C)sangbahayan ni Jose ay mananahan sa kanilang hangganan sa dakong hilagaan.

Read full chapter