Josue 18:5-7
Ang Biblia (1978)
5 At kanilang babahagihin ng pitong bahagi: (A)ang Juda ay mananahan sa hangganan niyaon na dakong timugan, at ang (B)sangbahayan ni Jose ay mananahan sa kanilang hangganan sa dakong hilagaan.
6 At inyong iguguhit ang lupain ng pitong bahagi, at inyong dadalhin ang pagkaguhit dito sa akin: at aking ipagsasapalaran dito (C)sa inyo sa harap ng Panginoon natin Dios;
7 (D)Sapagka't ang mga Levita ay walang bahagi sa gitna ninyo; sapagka't ang pagkasaserdote sa Panginoon ay siyang kanilang mana: at (E)ang Gad, at ang Ruben at ang kalahating lipi ni Manases ay tumanggap na ng kanilang mana sa dako roon ng Jordan na dakong silanganan, na ibinigay sa kanila ni Moises na lingkod ng Panginoon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978