Add parallel Print Page Options

47 Nang(A) ang nasasakupan ng mga anak ni Dan ay nawala sa kanila, ang mga anak ni Dan ay umahon at lumaban sa Lesem, at pagkatapos sakupin at patayin ng talim ng tabak, ay inangkin nila ito at nanirahan doon at tinawag ito ayon sa pangalan ni Dan na kanilang ama.

48 Ito ang pamana sa lipi ni Dan ayon sa kanilang mga angkan, ang mga lunsod na ito at ang mga nayon nito.

Ang Mana ng mga Anak ni Josue ay ang Timnat-sera

49 Nang kanilang matapos ang pamamahagi ng lupain bilang pamana ayon sa mga hangganan niyon, ay binigyan ng mga anak ni Israel ng pamana si Josue na anak ni Nun sa gitna nila.

Read full chapter