Font Size
Josue 19:8-10
Magandang Balita Biblia
Josue 19:8-10
Magandang Balita Biblia
8 Sakop nito ang mga nayon sa paligid hanggang Baalat-beer o Rama ng Negeb. Ito ang lupaing napunta sa lipi ni Simeon bilang bahagi nila. 9 Ang bahaging ito ay nasa loob ng teritoryo ng Juda; sapagkat ang lipi ni Juda ay tumanggap nang higit sa kanilang kinakailangan, ang bahagi nito ay ibinigay sa lipi ni Simeon.
Ang Bahagi ng Lipi ni Zebulun
10 Pangatlong lumabas sa palabunutan ang bahagi ng lipi ni Zebulun. Ang lupaing napunta sa kanila ay abot sa Sarid.[a]
Read full chapterFootnotes
- Josue 19:10 Sarid: Sa ibang manuskrito'y Shadud .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.