Add parallel Print Page Options

At siya'y tatahan sa bayang yaon, (A)hanggang sa siya'y tumayo sa harap ng kapisanan upang hatulan, (B)hanggang sa pagkamatay ng pangulong saserdote, na nalalagay sa mga araw na yaon: kung magkagayo'y uuwi ang nakamatay, at paroroon sa kaniyang sariling bayan, at sa kaniyang sariling bahay, hanggang sa pinagmulan niyang bayan na tinakasan.

At kanilang ibinukod ang (C)Cedes sa Galilea sa lupaing maburol ng Nepthali, at ang (D)Sichem sa (E)lupaing maburol ng Ephraim, at ang (F)Chiriath-arba (na siyang Hebron) sa lupaing maburol ng Juda.

At sa dako roon ng Jordan sa Jerico na dakong silanganan, ay kaniyang itinalaga ang (G)Beser sa ilang sa kapatagan, mula sa lipi ni Ruben, at ang (H)Ramoth sa Galaad na mula sa lipi ni Gad, at ang (I)Gaulon sa Basan na mula sa lipi ni Manases.

Read full chapter