Add parallel Print Page Options

26 At (A)sinulat ni Josue ang mga salitang ito sa aklat ng kautusan ng Dios; at siya'y kumuha ng malaking bato, (B)at inilagay (C)sa lilim ng encina na nasa tabi ng santuario ng Panginoon.

27 At sinabi ni Josue sa buong bayan, Narito, ang (D)batong ito ay magiging saksi laban sa atin, sapagka't (E)narinig nito ang lahat ng mga salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita sa atin: ito nga'y magiging saksi laban sa inyo, baka ninyo itakuwil ang inyong Dios.

28 Sa gayo'y (F)pinapagpaalam ni Josue ang bayan, bawa't isa sa kaniyang mana.

Read full chapter