Add parallel Print Page Options

Tumawid ng Ilog Jordan ang mga Israelita

Maagang-maaga pa'y gumising na si Josue at ang buong Israel. Umalis sila sa Sitim patungong Ilog Jordan, at nagkampo sila sa pampang nito bago tumawid.

Paghahanda sa Pagtawid

Pagkalipas ng tatlong araw, naglibot sa kampo ang mga pinuno at sinabi sa mga tao, “Kapag nakita ninyong dala ng mga paring Levita ang Kaban ng Tipan ng Diyos ninyong si Yahweh, lumakad na kayo at sumunod doon.

Read full chapter