Font Size
Josue 4:3-5
Ang Biblia (1978)
Josue 4:3-5
Ang Biblia (1978)
3 At iutos ninyo sa kanila, na sabihin, Kumuha kayo mula rito sa gitna ng Jordan, mula sa dakong (A)tinatayuang matatag ng mga paa ng mga saserdote, ng (B)labing dalawang bato, at dalhin ninyo, at ilapag ninyo sa (C)tigilang dako, na inyong tutuluyan sa gabing ito.
4 Nang magkagayo'y tinawag ni Josue ang labing dalawang lalake, na kaniyang inihanda sa mga anak ni Israel, na isang lalake sa bawa't lipi.
5 At sinabi ni Josue sa kanila, Dumaan kayo sa harap ng kaban ng Panginoon ninyong Dios sa gitna ng Jordan, at pasanin ng bawa't isa sa inyo ang isang bato sa kaniyang balikat, ayon sa bilang ng mga lipi ng mga anak ni Israel;
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978