Josue 5:6-8
Ang Biblia (1978)
6 Sapagka't ang mga anak ni Israel ay lumakad na (A)apat na pung taon sa ilang, hanggang sa ang buong bansa, sa makatuwid baga'y ang mga lalaking pangdigma na lumabas mula sa Egipto, ay nalipol, sapagka't hindi nila dininig ang tinig ng Panginoon: (B)na siyang sinumpaan ng Panginoon na hindi niya ipakikita sa kanila ang lupain na isinumpa ng Panginoon sa kanilang mga magulang na ibibigay sa atin, na (C)lupaing binubukalan ng gatas at pulot.
7 At (D)ang kanilang mga anak na kaniyang ibinangong kahalili nila, ay pinagtuli ni Josue, sapagka't mga hindi tuli, sapagka't hindi nila tinuli sila sa daan.
8 At nangyari nang kanilang matuli ang buong bansa, na tumahan sila sa kanilang mga dako sa kampamento (E)hanggang sa sila'y magsigaling.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978