Josue 6:23-25
Ang Biblia (1978)
23 At ang mga binata na mga tiktik ay pumasok, at inilabas si (A)Rahab, at ang kaniyang ama, at ang kaniyang ina, at ang kaniyang mga kapatid, at lahat ng kaniyang tinatangkilik; lahat niyang kamaganakan naman ay kanilang inilabas; at kanilang inilagay sila sa labas ng kampamento ng Israel.
24 At kanilang sinunog ng apoy ang bayan, at lahat na (B)nandoon: ang pilak lamang, at ang ginto, at ang mga sisidlang tanso at bakal, ang kanilang ipinasok sa silid ng kayamanan ng bahay ng Panginoon.
25 Nguni't si Rahab na patutot at ang sangbahayan ng kaniyang ama, at ang lahat niyang tinatangkilik, ay iniligtas na buháy ni Josue; at siya'y (C)tumahan sa gitna ng Israel, hanggang sa araw na ito; sapagka't kaniyang ikinubli ang mga sugo na sinugo ni Josue upang tumiktik sa Jerico.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978