Josue 7:19-21
Ang Biblia (1978)
19 At sinabi ni Josue kay Achan, Anak ko, isinasamo ko sa iyo, na iyong (A)luwalhatiin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, at magpahayag ka sa kaniya; at (B)ipahayag mo sa akin ngayon kung ano ang iyong ginawa; huwag kang maglihim sa akin.
20 At sumagot si Achan kay Josue, at sinabi, Sa katotohanan ay nagkasala ako laban sa Panginoon, sa Dios ng Israel, at ganito't ganito ang aking ginawa:
21 Nang aking makita sa samsam ang mainam na balabal na yaring Babilonia, at ang dalawang daang siklong pilak, at ang isang dila na ginto, na limang pung siklo ang timbang, ay akin ngang inimbot, at aking kinuha; at, narito, nangakukubli sa lupa sa gitna ng aking tolda, at ang pilak ay nasa ilalim niyaon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978