Add parallel Print Page Options

At mula sa Jerico ay nagsugo si Josue ng mga lalake sa Hai na nasa siping ng (A)Beth-aven, sa dakong silanganan ng (B)Beth-el, at nagsalita sa kanila, na nagsasabi, Sumampa kayo at tiktikan ninyo ang lupain. At ang mga lalake ay yumaon at tiniktikan ang Hai.

At sila'y nagsibalik kay Josue, at sinabi sa kaniya, Huwag sumampa ang buong bayan, kundi sumampa lamang ang dalawa o tatlong libong lalake at sugatan ang Hai; huwag mong pagurin ang buong bayan doon; sapagka't sila'y kakaunti.

Sa gayo'y sumampa roon sa bayan ay may tatlong libong lalake: at sila'y (C)tumakas sa harap ng mga lalake sa Hai.

Read full chapter