Font Size
Josue 8:10-12
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Josue 8:10-12
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Pagsakop sa Lunsod ng Ai
10 Kinabukasan, maaga pa'y bumangon na si Josue at tinipon ang buong hukbo. Siya at ang mga pinuno ng Israel ang nanguna patungo sa Ai. 11 Pumunta sila sa gawing bukana ng lunsod at nagtayo ng kampo sa harap niyon, sa gawing hilaga. Isang libis ang nasa pagitan nila at ng lunsod ng Ai. 12 Nagbukod si Josue ng limanlibong mandirigma na pinakubli niya sa kanluran ng lunsod—sa pagitan nito at ng Bethel.
Read full chapter