Add parallel Print Page Options

21 At nang makita ni Josue at ng buong Israel na nasakop ng bakay ang bayan at ang usok ng bayan ay napaiilanglang, ay nagsibalik nga uli sila at pinatay ang mga lalake sa Hai.

22 At ang iba'y lumabas sa bayan laban sa kanila, na anopa't sila'y nasa gitna ng Israel, na ang iba'y sa dakong ito, at ang iba'y sa dakong yaon: at sinaktan nila sila, na anopa't (A)wala silang iniwan sa kanila na nalabi o nakatanan.

23 At ang hari sa Hai ay hinuli nilang buháy, at dinala nila siya kay Josue.

Read full chapter