Font Size
Josue 8:30-32
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Josue 8:30-32
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Binasa ang Kasunduan sa Bundok ng Ebal
30 Pagkatapos, nagpagawa si Josue ng altar sa Bundok ng Ebal para sa Panginoon, ang Dios ng Israel. 31 Ipinagawa niya ito ayon sa utos ni Moises na lingkod ng Panginoon sa mga Israelita. Nakasulat ito sa Aklat ng Kautusan ni Moises at ito ang sinasabi: “Gumawa ka ng altar na bato na hindi natabasan ng gamit na bakal.” Sa ibabaw ng altar, nag-alay sila sa Panginoon ng mga handog na sinusunog at mga handog para sa mabuting relasyon. 32 Sa harap ng mga Israelita, kinopya ni Josue sa mga bato[a] ang kautusang isinulat ni Moises.
Read full chapterFootnotes
- 8:32 sa mga bato: o, sa mga bato ng altar.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®