Add parallel Print Page Options

32 At siya'y (A)sumulat doon sa mga bato ng isang salin ng kautusan ni Moises na kaniyang sinulat, sa harap ng mga anak ni Israel.

33 At ang buong Israel, at ang kanilang mga matanda at mga (B)pinuno at ang kanilang mga hukom, ay tumayo sa dakong ito ng kaban at sa dakong yaon sa harap ng mga saserdote na mga Levita, (C)na nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon ang mga (D)taga ibang lupa na gaya rin ng mga tagaroon; kalahati nila ay sa harap ng bundok ng Gerizim at kalahati nila ay sa harap ng bundok ng Ebal; gaya ng iniutos ni (E)Moises na lingkod ng Panginoon, na kanilang basbasan muna ang bayan ng Israel.

34 At pagkatapos ay kaniyang (F)binasa ang lahat ng mga salita ng kautusan, ang (G)pagpapala at ang (H)sumpa, ayon sa lahat na nakasulat sa aklat ng kautusan.

Read full chapter