Add parallel Print Page Options

13 Itong mga sisidlang-balat ay bago pa nang salinan namin ng alak, pero tingnan nʼyo po, sira-sira na ito. Ang mga damit at sandalyas namin ay naluma na dahil sa malayong paglalakbay.”

14 Naniwala at tinanggap ng mga Israelita ang mga ebidensya na dala nila, pero hindi sila nagtanong sa Panginoon tungkol dito. 15 Gumawa si Josue ng kasunduan sa kanila, na hindi niya sila gagalawin o kayaʼy papatayin. At nanumpa ang mga pinuno ng mga kapulungan ng Israel sa kasunduang ito.

Read full chapter