Add parallel Print Page Options

19 Kaya't nagpaliwanag ang mga pinuno, “Nakipagkasundo kami sa kanila sa ngalan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. Hindi natin sila maaaring saktan. 20 Kailangang igalang natin ang kanilang buhay; kung hindi, baka tayo parusahan ng Diyos dahil sa sumpang aming binitiwan sa kanila. 21 Hayaan ninyo silang mabuhay. Gagawin natin silang tagapangahoy at taga-igib.”

Read full chapter